online classes essay tagalog

Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan

by Pia Gonzalez-Abucay 26 August 2020, 10:00 1.5M Views

online classes essay tagalog

Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.

Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo  sa kanilang pag-aaral gamit ang computer.

Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda nilang araw at oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di nakapagtrabaho o kaya naman  ay work-at-home din kaya may panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak.

Bagama’t iba pa rin ang atmospera ng isang silid-aralan kung saan ay may personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga estudyante , kailangan na lamang gawing mas masigla, epektibo at imperatibo ang paraan ng pagbabahagi ng aralin upang ang mga bata ay magkaroon ng pokus at ibuhos ang kooperasyon.  Kaya masasabing trending ang online class ngayon at isa ring matinding hamon para sa lahat upang maging matagumpay ito kahit sa panahon ng stay-at-home.

May kakambal din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay may kayang  magkaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga telepono ng mga magulang na may subskripsiyon ng internet o kaya ay pakikipagkomunikasyon gamit ang WhatsApp o Messenger.

 Isipin din natin ang kalagayan ng mga mag-aaral kung saan ang kanilang mga magulang ay full-time health worker gaya ng doktor, narses, sanitary workers at iba pang patuloy ang hanapbuhay dahil kailangan kahit panahon ng lockdown. Maaaring mahirapan sila dahil sa walang sapat na panahon ang  mga magulang upang matulungan at matutukan sila sa kanilang online class.

Sa panayam sa ilang magulang na nakasubaybay noon sa pag-aaral ng kanilang mga anak, gaya nila  EDS IGNACIO at GRACE RAMOS , narito ang buod ng kanilang sagot sa mga naging katanungan ng AKO AY PILIPINO:

Ayon kay Eds Ignacio , nagkaroon ng disiplina ang mga bata dahil nagkaroon ng regola sa kanilang bahay na dapat maglaan ng oras sa paggawa ng aralin, paglalaro o ang paggamit ng gadget. At sa kaniya bilang isang ina, naging hamon din ang isaayos ang kanyang oras para magampanan ang mga gawaing-bahay at pagsubaybay sa pag-aaral ng anak.  Sa kanilang kuwarto ay sadyang naglaan ng study area upang higit ang konsentrasyon kaya napakinabangan nang husto ang study table.  Sa kanya namang palagay, di gaanong epektibo ang online class lalo sa maliliit na bata dahil sa hirap na mapanatili sila sa kanilang upuan , kadalasan ay naiinip ang mga ito.

 Sa mga batang katulad nila Kevin, Epi at Lia, sabik sila sa paggawa ng crafts gaya ng pagkukulay. pagguhit at paggupit sa mga papel ng iba’t ibang hugis ayon sa kanilang disenyo. At natugunan din ng mga nanay ang pagtuturo na makapagsulat at makapagbasa ang mga bata.

online classes essay tagalog

Ayon naman kay Grace Ramos, ang dalawa nilang anak na si Charles and JD na nasa Superiore at Liceo noong panahon ng lockdown,  ay sanay na sa paglalaan ng sapat na oras sa kanilang pag-aaral. Gumigising sila nang maaga upang ihanda ang sarili sa pagre-review para sa verifica at interrogazione.  Di rin naman sila stressed na mag-asawa dahil parehong may inisyatiba ang kanilang mga anak. Kaya naman di nila iniistorbo ang mga ito kapag nasa study area ng kanilang kuwarto. Para kay Grace na dating guro sa Pilipinas, di gaanong epektibo ang online class lalo at may mga pagkakataon na humihina ang internet connection. At iba pa rin ang personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral at ang pagkakaroon ng aktibidad na magkakasama ang magkakaklase.

online classes essay tagalog

Ayon naman kay Alyzza Guevarra, estudyante ng Linguistico ng Liceo , sa Roma, naglaan siya ng apat na oras sa pag-aaral sa online  mula Lunes hanggang Biyernes  at dalawang oras naman sa araw ng Sabado. Bagama’t nakatulong ang online class, nahirapan din naman siya sa dami ng ibinigay na homework ng kanilang guro. Kailangan lang talaga ng pokus upang hindi siya mainip at maitutok ang konsentrasyon sa mga aralin.

Bagama’t ang paaralan ay isang plataporma kung saan ang mga bata ay napapaunlad ang mga kasanayan hindi lamang sa akademiko kundi pati sa pakikisalamuha at pagsasagawa ng mga extra-curricular activities, ang pag-aaral sa pamamagitan ng online class ay dapat mapalalim pa sa pamamagitan ng mga research at pagbabasa ng iba pang reference books or e-books. Dapat ding isaalang-alang ang isang tahimik na puwesto sa tahanan upang magkaroon ng motibasyon at konsentrasyon habang may online class. Kailangan din laging paalalahanan ang mga kabataan na magkaroon ng  maayos na daily habits, pagkain ng masustansiyang pagkain, tamang oras ng paglilibang o paglalaro at pakikipag-bonding sa magulang at kapatid.

online classes essay tagalog

Sa nalalapit na pasukan, maging sa Pilipinas o ibang bahagi ng mundo, isang hamon ito sa gobyerno, sa departamento ng edukasyon, sa mga guro at mga magulang , kung paano ba matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Dahil sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya, mahalaga ang pagkakaroon ng suporta sa mga materyal na gamit, sa koneksiyon sa internet, sa pagdisiplina sa mga estudyante para sa bagong daily routine nila at mas tutok na pagsubaybay sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng ONLINE class. (ni: Dittz Centeno-De Jesus )

coronavirus Ikalawang Henerasyon Pilipino sa italya

online classes essay tagalog

Babalik sa Italya mula sa Pilipinas o sa ibang bansa, ano ang dapat gawin?

online classes essay tagalog

School Year 2020-2021 sa Italya, handa na ba?

Ako Ay PIlipino | MY OWN MEDIA LIMITED - 2024. Tutti i diritti riservati.

PhilNews

  • #WalangPasok
  • Breaking News
  • ALS Exam Results
  • Aeronautical Engineering Board Exam Result
  • Agricultural and Biosystem Engineering Board Exam Result
  • Agriculturist Board Exam Result
  • Architecture Exam Results
  • BAR Exam Results
  • CPA Exam Results
  • Certified Plant Mechanic Exam Result
  • Chemical Engineering Exam Results
  • Chemical Technician Exam Result
  • Chemist Licensure Exam Result
  • Civil Engineering Exam Results
  • Civil Service Exam Results
  • Criminology Exam Results
  • Customs Broker Exam Result
  • Dental Hygienist Board Exam Result
  • Dental Technologist Board Exam Result
  • Dentist Licensure Exam Result
  • ECE Exam Results
  • ECT Board Exam Result
  • Environmental Planner Exam Result
  • Featured Exam Results
  • Fisheries Professional Exam Result
  • Food Technologist Board Exam Result
  • Geodetic Engineering Board Exam Result
  • Guidance Counselor Board Exam Result
  • Interior Design Board Exam Result
  • LET Exam Results
  • Landscape Architect Board Exam Result
  • Librarian Exam Result
  • Master Plumber Exam Result
  • Mechanical Engineering Exam Results
  • MedTech Exam Results
  • Metallurgical Engineering Board Exam Result
  • Midwives Board Exam Result
  • Mining Engineering Board Exam Result
  • NAPOLCOM Exam Results
  • Naval Architect and Marine Engineer Board Exam Result
  • Nursing Exam Results
  • Nutritionist Dietitian Board Exam Result
  • Occupational Therapist Board Exam Result
  • Ocular Pharmacologist Exam Result
  • Optometrist Board Exam Result
  • Pharmacist Licensure Exam Result
  • Physical Therapist Board Exam
  • Physician Exam Results
  • Principal Exam Results
  • Professional Forester Exam Result
  • Psychologist Board Exam Result
  • Psychometrician Board Exam Result
  • REE Board Exam Result
  • RME Board Exam Result
  • Radiologic Technology Board Exam Result
  • Real Estate Appraiser Exam Result
  • Real Estate Broker Exam Result
  • Real Estate Consultant Exam Result
  • Respiratory Therapist Board Exam Result 
  • Sanitary Engineering Board Exam Result 
  • Social Worker Exam Result
  • UPCAT Exam Results
  • Upcoming Exam Result
  • Veterinarian Licensure Exam Result 
  • X-Ray Technologist Exam Result
  • Photography
  • Programming
  • Smartphones
  • Web Hosting
  • Social Media
  • SWERTRES RESULT
  • EZ2 RESULT TODAY
  • STL RESULT TODAY
  • 6/58 LOTTO RESULT
  • 6/55 LOTTO RESULT
  • 6/49 LOTTO RESULT
  • 6/45 LOTTO RESULT
  • 6/42 LOTTO RESULT
  • 6-Digit Lotto Result
  • 4-Digit Lotto Result
  • 3D RESULT TODAY
  • 2D Lotto Result
  • English to Tagalog
  • English-Tagalog Translate
  • Maikling Kwento
  • EUR to PHP Today
  • Pounds to Peso
  • Binibining Pilipinas
  • Miss Universe
  • Family (Pamilya)
  • Life (Buhay)
  • Love (Pag-ibig)
  • School (Eskwela)
  • Work (Trabaho)
  • Pinoy Jokes
  • Tagalog Jokes
  • Referral Letters
  • Student Letters
  • Employee Letters
  • Business Letters
  • Pag-IBIG Fund
  • Home Credit Cash Loan
  • Pick Up Lines Tagalog
  • Pork Dishes
  • Lotto Result Today
  • Viral Videos

Opinyon Tungkol Sa Online Class/Modular Learning

Heto ang iba’t-ibang opinyon tungkol sa online class o distance learning.

ONLINE CLASS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng opinyon tungkol sa distance learning o online class.

Dahil sa pandemyang COVID-19, napilitan ang mga estudyante at mga guro na lumipat sa bagong “distance learning” na plataporma. May dalawang klasi ng “distance learning” ang pwedeng gawin – online class at modules.

Para sa ibang mga tao, maganda ang online class dahil maaari silang mag-aral sa loob ng kanilang mga bahay. Pero, para sa ibang guro at estudyante, mahirap ito dahil sa kakulangan ng gamit para maka online class.

Opinyon Tungkol Sa Online Class/Modular Learning

Marami sa ating mga Pilipino ang wala pa ring magandang signal para maka pasok sa online class. Bukod dito, hindi lahat ay may teknolohiya para lubusang magamit ang online class na plataporma.

Pero, ayon sa DepEd, maaari rin namang gamitin ang mga pisikal na modules. Subalit, mahirap din ito kasi parang “self-study” lamang ang kalabasan ng mga modules. Walang tamang pag-aaral na nagaganap kasi walang guro na tumatalakay sa mga leksyon.

Dahil dito, marami na lamang ang nagpapasagot sa kanilang mga magulang sa kanilang module o naghahanap ng mga sagot online. Kaya naman, marami ang hindi nagkagusto sa modular learning.

Sa mga naka online class naman, karamihan ay nasayahan sa simula, pero sa huli, na puno ang mga estudyante ng gawain. Dahil hindi face-to-face ang mga klase, nagkaroon na lamang ng mas maraming gawain o online modules ang mga estudyante.

Kahit ano man ang opinyon mo sa online class, ang mahalaga ay lahat tayo ay dapat magkaroon ng pantay at sapat na oportunidad para maka aral. Bukod dito, dapat tinatanaw natin ang kalusugan at kaligtasan ng lahat bilang prioridad.

BASAHIN DIN: Tungkulin Ng Mga Prayle – Ano Ang Tungkulin Ng Mga Prayle? (Sagot)

Leave a Comment Cancel reply

Los Baños Times

Serving los baños and nearby communities since 1983.

Los Baños Times

Kwentong Distance Learning: Mga Tinig ng Estudyante, Magulang, at Guro

Isinulat nina: Raizza Acuzar, Eunice Algar, at Mark Mercene

Noong nagsimulang kumalat ang pandemya noong isang taon, ang pagpasok sa paaralan ng mga estudyante ang unang kinansela ng ating pamahalaan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ngunit ang hindi inaasahan ng karamihan ay matatapos ang taunang 2019-2020 ng maaga, at walang mga pagsusulit na. Ngayon, humigit isang taon ang nakalipas na, at nagbukas na nga din ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa panibagong pamamaraan para sa kanilang kapakanan. Alamin natin ang samu't saring kwento mula sa iba't ibang pananaw ng mga mamamayan na kalahok sa sektor ng edukasyon.

Noong nagsimulang kumalat ang pandemya noong isang taon, ang pagpasok sa paaralan ng mga estudyante ang unang kinansela ng ating pamahalaan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ngunit ang hindi inaasahan ng karamihan ay matatapos ang taunang 2019-2020 ng maaga, at walang mga pagsusulit na. Ngayon, humigit isang taon ang nakalipas na, at nagbukas na nga din ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa panibagong pamamaraan para sa kanilang kapakanan. Alamin natin ang samu’t saring kwento mula sa iba’t ibang pananaw ng mga mamamayan na kalahok sa sektor ng edukasyon.

Isa sa mga sektor na lubos na naapektuhan ng pandemya ay ang edukasyon. Dahil sa banta na dulot ng Coronavirus, napilitan ang mga paaralan sa buong bansa na magsara at lumipat mula sa on-campus face to face learning patungo sa distance learning. Ngunit, hindi ito naging madali para sa lahat, lalo na sa mga estudyante, magulang, at guro. 

online classes essay tagalog

EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA. Ang distance learning tulad sa pamamagitan ng modyular o online class ang humalili sa nakasanayang face-to-face learning upang mapagpatuloy ang pag-aaral ngayong new normal.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol sa Learning Continuity Plan o ang “bagong normal” na ipinakita sa mga guro at estudyante noong ika-5 ng Mayo 2020. Samantalang para sa mga kolehiyo, naglabas din ang Commission on Higher Education (CHED) ng Memo No. 04, series 2020, “Guidelines on the Implementation of Flexible Learning.” Sa mga polisiyang ito, binigyang pansin ang mga alternatibong paraan upang ipagpatuloy ang edukasyon sa new normal. 

Kasabay ng pagpapatupad ng mga ito ay ang pag-usbong ng iba’t ibang hamon para sa mga estudyante, magulang, at guro. Kinakailangan nilang mag-adapt sa mga bagong paraan upang makasabay sa new normal, at ito ang mga kwento nilang kailangan marinig. 

M ula sa mga Estudyante

Sa usapang distance learning, ang mga estudyante ang higit na nakakaalam kung ano ba ang realidad sa loob ng sistema na ito. Sila ang pinakasentro ng implementasyon na humaharap sa pagbabagong dala nito sa sektor ng edukasyon. Nararapat din na malaman na ang bawat estudyante mula sa iba’t ibang katayuan at kalagayan sa buhay ay may mga sarili at naiibang kwento na nararapat mapakinggan.

Isa sa mga estudyante na ito ay ang 19 taong gulang na si Burek, mula sa Brgy.Mayondon na kasalukuyang nasa Senior High School at kumukuha ng General Academic Strand sa Colegio de Los Baños. Isa sa mga pagsubok na kinakaharap niya sa distance learning ay sa tuwing may pagkakataon na hindi niya maintindihan kung paano gagawin ang ibang mga assessment sa kanyang mga modules kaya’t hindi niya na lang ito sinasagutan. Ngunit ayon sa kanya, kahit nahihirapan siya ay kakayanin niya para sa kanyang mga pangarap.

Sa pagtaas ng mga kaso ng COVID 19 sa bansa ay naniniwala si Burek na okay lang na ipagpatuloy ang distance learning. Ngunit hiling niya na nawa’y mabawasan ang mga pinapagawa sa kanila, at sa pagdating ng panahon na umayos na ang sitwasyon, ay makabalik na sila sa face to face setup dahil sa tingin niya ay magiging mas madali ito para sa mga estudyante.

Ganito rin ang nais ni Coleen Paner, 21 taong gulang, mula rin sa Brgy. Mayondon, at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Agribusiness Management and Entrepreneurship sa University of the Philippines Los Baños at isa rin sa mga estudyante na nasa distance learning.

Ilan sa mga hamon na kinakaharap ni Coleen ngayon sa pag-aaral ay ang mahinang internet connection na kadalasan niyang hinaharap kapag kinakailangan niyang pumasok sa mga synchronous online classes na nakakadagdag sa kanyang anxiety. Nagiging pagsubok din sa kanya ang time management at pagkakaroon ng short attention span na dahilan kung bakit nahihirapan siya magpokus sa mga gawain.

Hindi rin maitanggi ni Coleen na mahirap talaga ang kakulangan ng personal space sa bahay. Hindi niya alam kung saan siya maaaring lumugar para makapag-aral habang pumapasok sa mga klase. Idagdag pa rito ang hindi maiiwasang ingay sa paligid na nakakagambala rin sa kanyang pag-aaral.

“At some points, siguro oo. Seryoso rin naman kasi ako sa pag-aaral kaya sineseryoso ko kapag may kailangan talaga intindihin or i-absorb pero may times talaga na kahit anong pakinig ko sa synch class di ko talaga siya magets,” ayon kay Coleen nang tinanong siya patungkol sa pagiging epektibo ng distance learning.

Isinaad din ni Coleen na nagbibigay naman ng tulong ang kanyang paaralan upang masolusyonan ang mga problema niya katulad ng mga seminar tungkol sa time management. Gayunpaman ay hindi naman siya makadalo at kung dumalo man siya, hindi siya nakakatiyak kung ito ba ay may epekto sa kanya. Kung kaya’t para sa kanya ay hindi na niya kakayanin pa ang posibilidad na distance learning muli ang ipapatupad sa susunod na academic year.

Higit na sinasamo ni Coleen na mas mabigyan ng pansin ang mga estudyante na naghihikahos ngayon sa buhay. Sa tingin niya ay mas mahirap ang dinadanas ng mga ito dahil na rin sa kahirapan na humahadlang upang makasabay sila sa klase pati na rin sa mga kailangan dito katulad ng mga gadget at iba pa.

Hiling din niya na nawa’y mas pabilisin at isaayos ng gobyerno ang vaccination program nito sa bansa nang sa ganon ay maisulong na ang ligtas na balik eskwela. Para naman sa mga guro ay umaasa siya na nawa’y maintindihan nila ang sitwasyon ng mga estudyante, at mas pagaanin ang mga requirements. Alam niya rin na nahihirapan din ang mga guro sa sitwasyon ngayon kung kaya’t sa tingin niya ay kinakailangan talaga ng pag-unawa at kooperasyon ng bawat isa upang makaahon ang lahat.

Mula sa mga Magulang

Sa panahon kung saan ang tahanan ang nagsisilbing paaralan, hindi maikakaila na ang mga magulang din ay naaapektuhan ng bagong sistema ng edukasyon at iba’t ibang pagsubok at karanasan ang kanila ring hinaharap. 

Isa na rito si Gng. Ana, 42, mula sa Brgy. Batong Malake, na may dalawang anak na kasalukuyang sumasailalim pareho sa online classes. Ang panganay na anak niya ay nasa kolehiyo at nag-aaral ng kursong BS Agribusiness Management and Entrepreneurship at ang isa naman ay nasa ika-limang baitang sa elementarya. 

Malaking tulong ang panganay na anak ni Gng. Ana ngayong distance learning dahil siya ang nag-aasikaso sa nakababatang kapatid nito, lalo na sa mga lesson na hindi na kaya pang maituro ng ginang. Aniya, ang mga activity ngayong distance learning ay nangangailangan minsan ng partisipasyon ng mga tao sa bahay. 

“Noon ay kakaunti lang ang activities na kailangan ng partisipasyon ng magulang o guardian kumpara nitong nagstart ang online class,” dagdag niya. 

Para kay Gng. Ana, ang distance learning ay hindi niya maikokonsiderang epektibo sapagkat “iba pa rin na may kasamang guro at kaklase lalo na kapag bata pa lamang,” saad niya. 

Sa usapin naman ukol sa posibilidad na distance learning muli ang ipatutupad sa susunod na taon, batid ng ginang na kailangan muna sundin ang kautusang ito sapagkat tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya. Subalit, hiling din ni Gng. Ana na makabalik na sa face-to-face setup sa lalong madaling panahon. 

Ganito rin ang agam-agam ng 47 na taong gulang na si Gng. Merly, hindi niya tunay na pangalan, mula sa Bae, tungkol sa posibilidad ng distance learning sa susunod na taon. Para sa kanya, wala namang ibang paraan kundi tanggapin ang kasalukuyang sistema kaysa naman magkasakit dahil sa pandemyang ito. 

Si Gng. Merly ay isang ina ng tatlong estudyante na lahat din ay nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral gamit ang mga online class ngayong distance learning. Isa rito ay nasa kolehiyo na kumukuha ng kursong BS Biology at ang dalawa naman ay nasa ika-walo at ikasampung baitang sa sekondarya. 

Para naman sa kanya, bilang araw-araw nasa bahay ang mga anak niya, kailangan maglaan ng ekstrang budget para sa kanilang pagkain. Dagdag din niya ang na madalas ang pagpapa-alala niya na laging maglinis ang kanyang mga anak sa kani-kanilang mga lugar.

Kumpara kay Gng. Ana, epektibo naman para kay Gng. Merly ang distance learning sa kadahilanang wala na rin namang iba pang paraan upang matuloy ang edukasyon ngayon. Ngunit, mas gusto rin niya ang face to face learning dahil marami raw mae-experience pag physical learning dahil sa school ang setup mismo. 

Sa tanong kung ano ang nais niyang mabago sa kasalukuyang setup, “more interaction sa ibang tao o kaklase kahit online setup; ways para ma separate ng kids ang acads sa e-games nila [dahil] minsan kasi mas madaming times sa games kesa acads,” aniya ng ginang. 

Ang mga katagang ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ay tila matagal pa ulit mabibigyang kahulugan. Sa panahon ng pandemya, ang papel ng mga magulang ay mas lumawak at higit din na hinahamon ng panahon. Ano pa man ang sitwasyon, tunay ngang nagsisilbi sila sa kanilang mga anak bilang taga-bigay ng suporta, alaga, at lalong lalo na ang pagiging guro. 

Mula sa mga Guro

Bukod sa mga estudyante at magulang ay lubos na naapektuhan ang mga tumatayong pangalawang magulang sa mga eskwelahan, ang mga guro. Isa rito si Ma’am Marie, 23, isang guro na nagtuturo sa online-learning set-up mula sa probinsya. 

Aminado si Ma’am Marie na “mahirap at nakakapagod” ang kanyang karanasan at hanggang ngayon  ay nag-aadjust pa rin siya sa bagong paraan ng pagtuturo. Ayon kay Ma’am Marie, maraming estudyante sa kanyang klase ang hindi talaga kayang makapasok nang tuloy-tuloy. 

“Doble ang ginagawa kong teaching materials ngayon, para ma-cater lahat ng students hangga’t maaari depende sa kung anong accessible resources sa kanila”, saad niya.

Para sa kanya ay may kahirapan din ang pag-tsek sa kalagayan ng mga estudyante, kaya gumagamit siya ng iba’t ibang paraan tulad ng text message, call, facebook and messenger. Naibahagi rin niya na kilala niya na lamang ang mga estudyante sa pangalan at profile picture ng mga ito sa facebook. 

Ayon pa kay Ma’am Marie, mas mababa ang bilang ng pumapasok ngayon kumpara noong face-to-face. “Noong f2f, kapag nasa school sila, students lang sila. Ngayon, nasa bahay sila nag-aaral, students na sila at kapatid/anak/parents pa sila. Syempre madalas inuuna nila yung responsibilities nila sa bahay compared sa responsibilities nila as students,” pagpapatunay niya.

Tulad ni Ma’am Marie, ganito rin ang nararanasan at pakiramdam ni Sir Vren, 23, isang guro mula sa Barangay Batong Malake. Para kay Sir Vren, mahirap ang naging paraan ng pagtuturo ngayon sapagkat ito ay online at hindi naman lahat ng estudyante ay may koneksyon at kagamitan. Isinaad din niya na mayroong mga pagkakataon na nauubusan siya ng bagong ideya kung paano maituturo ang isang paksa lalo na at nasanay siya sa tradisyunal na pagtuturo. 

Aniya ay, “iba pa rin talaga yung pakiramdam na face-to-face kasi mas namomonitor mo ang iyong mga estudyante, mas madali kang makaka-connect sa kanila, at mas madali ka ring makakakuha ng ideya mula sa kanila.” Dagdag pa niya, ibinibigay niya ang kanyang “best effort” sa pagtuturo kaya naman nakakapanghinayang kapag marami ang hindi nakapagpasa ng mga outputs. 

Matatandaan na noong ika-22 ng Mayo ay nagalabas ng pahayag si CHED chairman Prospero de Vera kung saan binanggit niya na  “From now on, flexible learning will be the norm. There is no going back to the traditional, full-packed face-to-face classrooms.”

Para kay Ma’am Marie, ang naging pahayag ay nakakalungkot at nakakagalit. Ayon sa kanya ay “disconnected sila sa mga nasa ibaba”. Dagdag pa rito, hindi lahat ay handa para dito, estudyante man o mga guro.  Si Sir Vren naman ay ibinahagi ang paniniwala na ang online learning ay hindi sapat upang matutunan ng estudyante ang mga life skill na kailangan.

Nang tanungin naman kung anong masasabi nila sa kasalukuyang online/distance learning set-up,  “Sa mga students, tandaan nila kung para kanino o saan sila nag-aaral” at “sa mga kapwa ko guro, alam kong nahihirapan tayo. Pero kung mahirap para sa’tin ‘to, doble ang hirap nito for students, kaunting konsiderasyon at pang-unawa sana para sa kanila.”, sambit ni Ma’am Marie.

“Huwag tayong manawa na mag-abot ng tulong sa isa’t isa kahit na gaano kaliit o kalaki pa yaan. Napakaganda ng ating pangarap para sa mga sarili natin at para rin sa ating bayan kaya patuloy pa tayong magsikap upang makamit ito,” pagbabahagi naman ni Sir Vren. 

“Wag din natin hayaan na sa kabila ng mga paghihirap natin ay patuloy lamang tayong abusuhin ng mga pulitikong pera lamang ang iniisip kasi hindi natin deserve kung ano ang mga nangyayari sa ating ‘di maganda ngayon,” dagdag at pagtatapos niya.

Ang naratibo ng mga naging karanasan nina Ma’am Marie at Sir Vren bilang mga guro ay isang patunay na may problema na kailangang solusyonan mula sa kailaliman ng sistema ng edukasyon. Nararapat na tiyakin na ang edukasyon ay may kalidad, naaabot, at tinatamasa ng lahat. Ating tandaan na ito ay karapatan ng bawat isa at karapat-dapat tayong magkaroon nang maaliwalas na kinabukasan sa kabila ng pandemya.

Ang mga kwento nina Burek, Coleen, Gng. Ana, Gng. Merly, Ma’am Marie, at Sir Vren ay ilan lamang sa mga repleksyon ng realidad ng distance learning. Marami pang tinig ang hindi naririnig at maraming naratibo pa ang kinakailangang mabigyan ng pansin.

Ang mga panawagan na ito ng mga estudyante, magulang, at mga guro ay nararapat lamang na isaalang-alang sa mga plano at desisyon sa pagsulong sa hinaharap.

Share this:

  • Click to share on Twitter (Opens in new window)
  • Click to share on Facebook (Opens in new window)
  • Click to email a link to a friend (Opens in new window)
  • Click to print (Opens in new window)

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Save my name, email, and website in this browser for the next time I comment.

Notify me of follow-up comments by email.

Notify me of new posts by email.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed .

IMAGES

  1. #1 Best Guide On How To Write An Essay In Tagalog

    online classes essay tagalog

  2. #1 Best Guide On How To Write An Essay In Tagalog

    online classes essay tagalog

  3. K to 12 tagalog essay in 2021

    online classes essay tagalog

  4. SOLUTION: Filipino essay pagsulat tagalog

    online classes essay tagalog

  5. (DOC) Tagalog Essay

    online classes essay tagalog

  6. 8 Best Tagalog Classes to Learn Online in 2023

    online classes essay tagalog

VIDEO

  1. OPM Tagalog Love Songs 80's 90's

  2. Pagbuo ng Balangkas (Outlining) para sa Online Class #TalakayangFilipino

  3. Essay On Physical Classes Vs Online Classes In English

  4. SANAYSAY/TUNGKOL SA AKING TALAMBUHAY Part 1 #sanaysay #tagalogessay #essay

  5. Short Paragraph On My Experience Of Online Classes During Lockdown

  6. PHYSICAL CLASSES VS ONLINE CLASSES